Bodega ng asukal sa Pampanga, sinalakay ng BOC

Bodega ng asukal sa Pampanga, sinalakay ng BOC

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang bodega ng asukal sa San Fernando City, Pampanga.

Pinaniniwalaang ang nasabing bodega na nasa New Public Market sa Barangay Del Pilar ay nagho-hoard ng libu-libong sako ng asukal.

Ginawa ang pagsalakay, Huwebes (Aug. 18) ng umaga ng mga tauhan Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) – Quick Reaction Team.

Ito ay sa bisa ng kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sasailalim sa inventory ng customs ang mga produktong natagpuan sa warehouse.

Binigyan ng 15 araw ang warehouse owners para magpresenta ng mga dokumento na magpapatunay na ang mga produkto ay legal na naipasok sa bansa.

Kung mapatutunayang ang mga Thailand sugar ay pawang smuggled, maaring makasuhan ang may-ari ng warehouse.

Una nang ibinunyag ni Executive Sec. Vic Rodriguez na iniimbestigahan ng kaniyang tanggapan ang mga ulat na ilang traders ang pilit na isinusulong ang pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Ito ay para magamit nila ang nasabing pagkakataon upang mai-release ang iniimbak nilang suplay ng asukal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *