Panukalang batas na lilikha sa Migrant Workers Legal Assistance Fund muling ihahain sa Senado
Muling ihahain ni Senator JV Ejercito sa Senado ang panukalang batas na layong bumuo ng Migrant Workers Legal Assistance Fund.
Ang nasabing panukalang batas ay naihain na ni Ejercito noong 17th Congress subalit bigo itong makapasa.
Ayon kay Ejercito ang mga OFWs ay itinuturing na modern day heroes at sila ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang kinabukasan at kabuhayan ang kanilang mga kamag-anak.
Dahil dito, sinabi ni Ejercito na ang mga OFW na nagkakaroon ng problema at nakakasuhan ay dapat agad matutulungan.
“…kung sila po ay magkaroon ng kaso ay tila minsan, pakiramdam nila ay walang nandoon para umalalay sa kanila. At iyon ay napakasakit,” ayon sa senador. (DDC)