Mga bagong dental equipment ipinamahagi sa mga health center facilities sa Caloocan
Mga bagong dental equipment ipinamahagi sa mga health center facilitities sa Caloocan
Napagkalooban ng mga bagong dental chairs ang labinglimang health centers sa lunghsod ng Caloocan.
Sa pakikipagtulungan ng Caloocan City government sa Department of Health (DOH) para sa pagpapatupad ng Health Facilities Enhancement Program, tumanggap ng bagong dental chairs ang sumusunod na health centers:
—Amparo Health Center
—Bagbaguin Health Center
—Bagong Silang Ph 1 Health Center
—Bagong Silang Ph 9 Health Center
—Bagumbong Dulo Health Center
—Cielito Health Center
—Deparo Health Center
—Barangay 178-B Health Center
—A. A. Zapa Health Center
—Barangay 14 Health Center
—Barangay 18 Health Center
—Barrio San Jose Health Center
—Francisco Health Center
—Grace Park Health Center
—Sampalukan Health Center
Ayon kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, simula pa lamang ito ng pagpapabuti sa healthcare services at facilities sa Caloocan.
Sinabi ng alkalde na magpapatuloy ang pag-upgrade sa mga health center facilities sa lungsod.
“Simula palang po ito ng pagpapaunlad natin sa mga pasilidad at kagamitan ng ating health centers. Hangarin natin na unti-unting maisaayos ang bawat heath centers sa mga Barangay at maparami ang serbisyong kaya nilang maibigay para sa ating mga kababayan,” ayon kay Malapitan.
Nagpasalamat naman si Malapitan sa DOH at sa City Health Department (CHD) sa pakikipagutlungan sa LGU para sa programa. (DDC)