“All Too Well short film ni Taylor Swift, posibleng makapasok sa Oscar
Kuwalipikado bilang sa Oscars Academy Award 2023 ang 14-minute short film na All Too Well ni Taylor Swift.
Ang short film ay kuwalipikado para maging nimonee sa Best Live Action Short Film category.
Ang All Too Well short film ay isinulat ni Swift at siya rin ang direktor.
Tampok sa short film sina Sadie Sink, Dylan O’ Brien at si Swift.
May potensyal ding mag-qualify ang short film ni Swift sa Best Picture category.
Sakaling ma-nominate, magkakaroon ng tsansang manalo sa Oscars si Swift. (DDC)