Mga paaralan hinimok na maglagay ng pasilidad para sa mga siklistang estudyante

Mga paaralan hinimok na maglagay ng pasilidad para sa mga siklistang estudyante

Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang Department of Education (DepED) at ang Commission on Higher Education (CHED) na atasan ang mga primary, secondary, at tertiary educational institutions na magkaroon ng End-of-Trip (EoT) facilities sa kani-kanilang paaralan.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime J. Bautista, sa ilalim ng Department Order No. 2020-014, kahit ang mga bata na mas mababa sa edad na 15 ay pinapayagang gumamit ng bicycle lanes sa mga national at primary roads kung may kasama silang adult cyclist.

Dahil dito hiningi ng DOTr ang tulong ng DepEd at CHED para magkaroon ng EoT facilities sa mga eskwelahan upang ang mga mag-aaral, mga guro at iba pang school employees ay mahikayat na magbisikleta papasok.

Ang EoT facilities ay kapapalooban ng parking spaces para sa bisikleta, sheds, bike racks, at showers.

Umapela din si Bautista, sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Office (LTO) na mag-deploy ng dagdag na traffic enforcers at marshals sa mga school zones para masiguro ang kaligtasan ng mga magbibisikletang mag aaral. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *