Pangulong Marcos posibleng palawigin ang pag-iral ng state of public health emergency

Pangulong Marcos posibleng palawigin ang pag-iral ng state of public health emergency

Pangulong Marcos posibleng palawigin ang pag-iral ng state of public health emergency

Posibleng palawigin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-iral ng state of public health emergency sa bansa dahil sa pandemya ng COVID-19.

Sa kaniyang pagdalo sa PinasLakas vaccination campaign sa SM Manila, sinabi ng pangulo na ikinukunsidera niyang palawigin ang deklarasyon hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Ang state of public health emergency ay unang idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noon March 2020 at nakatakdang matapos sa Sept. 12.

Noong Martes nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,633 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nitong nagdaang mga araw ay umaabot din sa lagpas 4,000 ang naitatalang mga bagong kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *