Pangulong Marcos tumanggap na ng 2nd booster shot ng COVID-19 vaccine

Pangulong Marcos tumanggap na ng 2nd booster shot ng COVID-19 vaccine

Tumanggap na ng kaniyang 2nd booster shot kontra COVID-19 si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Binakunahan si Marcos sa idinaos na PinasLakas Vaccine Campaign sa vaccination site ng Department of Health (DOH) sa SM City Manila.

Si DOH Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang nagturok ng bakuna kay Marcos.

Binakunahan din si presidential son, Rep. Sandro Marcos at si Manila City Mayor Dr. Honey Lacuna ang nagturok sa kaniya ng bakuna.

Sa kaniyang talumpati sa naturang programa ay hinikayat ni Marcos ang mga mamamayan na magpabakuna kontra COVID-19.

Kabilang dito ang pagtiyak na nakumpleto nila ang kanilang primary series at pagtanggap ng booster dose.

Ang PinasLakas campaign ng DOH ay layong mapaigting ang pagbibigay ng booster shot ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa DOH, mayroong mahigit 18,900 ‘PinasLakas’ vaccination sites sa buong bansa.

Ito ay matatagpuan sa mga palengke, paaralan, workplaces, terminals, simbahan at mobile vaccination sites.

Target ng DOH na makumpleto ang primary series ng 90% ng A2 o senior citizen population, at maitaas ang booster dose coverage sa 50% ng total population bago ang October 8, 2022 na ika-100 araw sa puwesto ng Marcos Administration. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *