Las Piñas, kinilala bilang “Safe City” sa Metro Manila
Pinarangalan ng Philippine National Police (PNP) ang lungsod ng Las Piñas bilang “Safe City” sa buong National Capital Region (NCR), kasabay ng pagdirwang nito ng ika-121 Police Service Anniversary na ginanap kamakailan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Hinirang Hall, Lungsod ng Taguig.
Si PCol. Jaime Santos, hepe ng Las Piñas City Police ang nagabot ng plaque of recognition kay Mayor Imelda Aguilar nitong August 15, 2022, pirmado ito ni Maj. Gen. Felipe Natividad, NCRPO Director.
Dahil dito, nagpaabot ng pagbati si Aguilar sa mga pulis ng lungsod dahil sa pagsusumikap nito na gawing ligtas ang lungsod.
Ayon kay Aguilar, ang nasabing parangal ay batay sa police performance kung saan nagawang mababa ang volume ng krimin sa lungso.
Dagdag pa niya, ang pulis ng lungsod ay may mataas ang bilang ng mga naaarestong suspek na nakagawa ng mga krimin.
“Ipinagmamalaki ko ang ating Police Las Piñas at nagawa nila ang ating lungsod na maging “safe city” sa buong NCR at binabati ko rin si Col. Jaime Santos at ang ating mga kapulisan na nagpapanatili ng kaligtasan sa ating lungsod. ,” giit ni Aguilar.
Samantala, sinabi rin ng alkalde ng lungsod napatuloy din nilang ipinatutupad ang 5K program (Kalusugan, Kaayusan,Kaalaman, Kalinisan,Kinabukasn) bilang bahagi ng adbokasiya ng kanyang administrasyon na “Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo.”
Ang pagkakaron anya ng police visibility at pagsasagawa ng mga checkpoints katuwang ang mga barangay officials ng lungsod ay may malaking kontrobusyon para sa mga pulis ng Las Piñas upang gawing ligtas na lugar ang lungsod sa buong NCR. (Noel Talacay)