20,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan
Binuhay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Oplan Balik Eskwela nito bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa ilalim ng nasabing programa, masusing babantayan ang mga pantalan sa bansa dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong bibiyahe dahil sa nalalapit na pasukan.
Ngayong umaga ng Miyerkules (Aug. 17) sinabi ng Coast Guard na umabot sa mahigit 20,000 ang naitalang bumiyahe sa mga pantalan.
Kabilang dito ang 9,992 na outbound passengers at 10,211 na inbound passengers.
Mayroong 2,269 na tauhan ang Coast Guard na ipinakalat sa mga pantalan sa bansa.
Nakapagsagawa sila ng inspeksyon sa 143 na mga barko at 79 na motorbancas. (DDC)