Coca-Cola, Pepsi at RC kinumpirmang kinakapos sila sa suplay ng asukal
Kinumpirma ng mga top makers ng popular na carbonated beverages sa bansa na kinakapos sila ng suplay ng asukal.
Sa joint statement ng Coca-Cola Beverages Philippines Inc., Pepsi-Cola Products Philippines Inc. at ARC Refreshments Corp. na nakararanas sila ng kakapusan sa suplay ng premium refined sugar.
Sa ngayon sinabi ng mga kumpanya na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders at sa pamahalaan para matugunan ang problema.
Inilabas ng tatlong kumpanya ang pahayag sa gitna ng kontrobersiya hinggil sa kautusan na mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.
Ang nasabing kautusan ng Sugar Board ay hinarang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siya ring tumatayong kalihim ng Department of Agriculture at chairman ng Sugar Board. (DDC)