SRA Administrator Hermenegildo Serafica nagbitiw na sa puwesto
Nagbitiw sa puwesto si Engr. Hermenegildo Serafica bilang administrator ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ito ay kasunod ng kontrobersiya hinggil sa kautusan ng Sugar Regulatory Board na mag-angkat ng tone-toneladang asukal.
Sa dokumento mula sa Malakanyang ipinabatid ni Executive Sec. Vic Rodriguez kay Serafica na tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang pagbibitiw.
Si Serafica ay isa mga purmirma sa iligal na sugar importation na hindi pinayagan ni Marcos. (DDC)