Panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK elections lusot na sa committee level sa Kamara

Panukalang ipagpaliban ang Barangay at SK elections lusot na sa committee level sa Kamara

Inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang ipagpaliban ang pagdaraos ng Barangay at SK elections sa December 2022.

Sa botong 12-2, inaprubahan ng komite sa pamumuno ni Rep. Maximum Dalog na sa unang Lunes na lang ng Disyembre 2023 idaos ang Barangay at SK elections.

Sa mosyon na inihain ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga nakasaad na sa January 1, 2024 magsisimulang manungkulan ang mga mahahalal na opisyal ng barangay sa eleksyon na idaraos sa Dec. 2023.

Matapos ang naging botohan ng komite, isusumite naman nila sa plenaryo ang panukalang batas para sa pagpapaliban ng eleksyon.

Magsasagawa naman ng deliberasyon ang plenaryo kung aaprubahan o hindi ang panukala. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *