18,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan

18,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan

Binuhay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Oplan Balik Eskwela nito bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa ilalim ng nasabing programa, masusing babantayan ang mga pantalan sa bansa dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong bibiyahe dahil sa nalalapit na pasukan.

Ngayong umaga ng Martes (Aug. 16) sinabi ng Coast Guard na umabot sa mahigit 18,000 ang naitalang outbound at inbound passengers sa mga pantalan sa bansa.

Mayroong 2,239 na tauhan ang Coast Guard na ipinakalat sa mga pantalan sa bansa.

Nakapagsagawa sila ng inspeksyon sa 205 na mga barko at 198 na motorbancas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *