Bilang ng mga mag-aaral na nakapagpatala para sa SY 2022-2023 umabot na sa mahigit 20.6 million

Bilang ng mga mag-aaral na nakapagpatala para sa SY 2022-2023 umabot na sa mahigit 20.6 million

Sa huling datos mula sa Learning Information System (LIS) ng Department of Education (DepEd) umakyat na sa 20,628,682 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.

Ang nasabing bilang ay mula noong July 25 hanggang umaga ng Lunes (Aug. 15).

Sa nasabing bilang, mahigit 18 million ang nakapag-enroll na sa public schools, mahigit 2.4 million ang nag-enroll sa private schools, mahigit 70,000 ang nag-enroll sa SUCs at LUCs.

Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa mahigit 2.9 million, na sinusundan ng Region III na mayroong mahigit 2.3 million enrollees at NCR na mayroong mahigit 2.2 million enrollees.

Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022.

Paalala ng DepEd, ipinatutupad pa rin ang tatlong pamamaraan sa pagpapatala – ang in-person, remote, at dropbox enrollment. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *