MMDA nagsagawa ng dry run para sa pagpapatupad ng expanded number coding; 1,588 na motorista, nasita

MMDA nagsagawa ng dry run para sa pagpapatupad ng expanded number coding; 1,588 na motorista, nasita

MMDA nagsagawa ng dry run para sa pagpapatupad ng expanded number coding; 1,588 na motorista, nasita

Nagsagawa ang MMDA ng dry run sa pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila simula ngayong araw (Aug. 15).

Ilang motorista ang nasita at pinaalalahanan ang mga ito bilang bahagi ng information campaign tungkol sa bagong oras ng coding mula 7 am – 10 am at 5 pm – 8 pm mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.

Lunes ng umaga ay umabot sa 1,588 ang nasita ng iba’t ibang unit sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at No Contact Apprehension Office.

Simula Agosto 18, sisimulan na ang panghuhuli at pag-issue ng traffic violation ticket sa pamamagitan ng on the ground apprehension at ng No Contact Apprehension Policy.

Sa ilalim ng expanded number coding scheme, bawal bumiyahe ang mga sasakyan sa EDSA at mga pangunahing lansangan ng Metro Manila batay sa huling digit ng license plates sa nasabing coding hours.

Ang mga plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.

Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, truck ng basura, truck ng petrolyo, marked government vehicle, marked vehicle ng media, truck ng bumbero, ambulansya, at sasakyang may dalang mga perishable at/o essential goods. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *