Makati City LGU bumuo ng “Monkeypox Task Force”

Makati City LGU bumuo ng “Monkeypox Task Force”

Bumuo ng task force ang Makati City government na tututok sa monkeypox cases.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, layunin nitong maiwasan ang paglaganap ng kaso ng nasabing sakit.

Sinabi ni Binay na responsable ang task force sa paggawa ng mga hakbang para maiwasan ang monkeypox transmission sa Makati.

Inatasan din ang task force na magpalaganap ng impormasyon tungkol sa monkeypox para maiwasan na rin ang paglaganap ng “fake news” hinggil sa sakit.

Kamakailan ay pinulong na ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang 26 na barangay health clinics sa lungsod para bigyan silang impormasyon hinggil sa modes of transmission, prevention, detection, isolation at treatment ng sakit.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng monkeypox sa Makati.

Ani Binay, kung sakaling magkakaroon ng suspected cases, ang pasyente ay ire-refer sa Research Institute for Tropical Medicine para sa proper testing.

Plano din ng pamahalaang lungsod na gamitin ang isa sa mga gusali sa Makati Friendship Suites sa Barangay Cembo para mai-isolate at magamot ang mga residente na magpopositibo sa monkeypox.

Ang mga residente a non-resident employees na magkakaroon ng sintomas ng COVID-19 ay maaring tumawag sa CESU sa mga numerong:

(02) 8870-1445
(02) 8870-1446
09270727794
09280492927
09396756390

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *