COVID-19 Positivity rate sa NCR at iba pang lugar sa Luzon, bumaba
Bumaba ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon.
Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 17.4% noong Aug. 6 ay bumaba 16.2% ang positivity rate sa NCR noong Aug. 13.
Bumaba din ang positivity rate sa Cavite (18.2%), Laguna (29.5%), Pampanga (26.0%), Quezon (22.1%), at Zambales (24.0%).
Samantala sa Ilocos Norte, mula sa 9.9% na positivity rate noong Aug. 6 at tumaas ito sa 11.4%.
Tumaas din ang positivity rate sa Tarlac, Nueva Ecija, La Union, Camarines Sur, Cagayan, Bulacan, Batangas at Albay. (DDC)