Muslim leader sa Marawi nag-withdraw ng suporta kay Sen. Robin Padilla
Kinondena ng isang muslim leader sa Marawi City ang paghahain ng panukalang batas ni Senator Robin Padilla kaugnay sa same-sex union.
Inanunsyo din ni Alim Abdulmajeed Djamla, Grand Imam ng Jameo Mindanao Al Islamie (Marawi Grand Mosque) ang pagbawi ng suporta sa senador.
Ayon sa pahayag, hindi salig sa creed ng Islam ang Senate Bill 449 o “Civil Unions Act” ni Padilla na lawong gawing institutionalize ang civil partnerships para sa same-sex couples.
Sa pahayag, sinabi naman ng senador na bukas para sa diskusyon sa iba’t ibang grupo ang kaniyang panukalang batas.
Sa ilalim ng panukala, papayagan ang same-sex couples na makakuha ng valid union license. (DDC)