Bilang ng mga sasakyan na dadaan sa EDSA aabot ng lagpas 436,000 kada araw sa pagsisimula ng klase

Bilang ng mga sasakyan na dadaan sa EDSA aabot ng lagpas 436,000 kada araw sa pagsisimula ng klase

Malaking bilang ng mga sasakyan ang inaasahang dadaan sa EDSA sa sandaling magsimula na ang face-to-face classes sa August 22, 2022.

Sa datos mula sa Traffic Engineering Center ng Metropolitan Manila Development AUthority (MMDA), noong July 2019, umaabot sa 405,000 na sasakyan ang bumabaybay sa EDSA araw-araw.

Sa kasalukuyan naman, ang mga sasakyan na dumaraan sa EDSA ay nasa 387,000.

Pero ayon sa MMDA sa muling pagbubukas ng klase sa Agosto 22, inaasahang mas dadami pa ang mga sasakyan na dadaan sa EDSA na posibleng umabot ng 436,000 o mas higit pa.

Simula bukas, August 15 ay ipatutupad na ng MMDA ang expanded number coding scheme sa morning rush hour simula 7am hanggang 10am at ang dating oras na 5pm hanggang 8pm. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *