Mahigpit na pagpatupad ng umiiral na ban sa ilang agri products iniutos ng Customs
Inatasan ni Bureau of Customs (BOC) Acting Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang lahat ng tanggapan at Collection Districts na mahigpit na bantayan ang mga pumasok na agricultural products galing sa mga bansa na may ipinatutupad na ban ang Department of Agriculture (DA).
Sa inilabas na Customs Memorandum Circular ni Ruiz lahat ng offices at pantalan ay binigyan ng kopya ng listahan ng mga ipinagbabawal na agricultural products mula sa ilang mga bansa base sa kautusan ng DA.
Kabilang dito ang mga domestic at wild birds at mga produkto nito, ksama ang poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen mula sa mga bansang apektado ng Highly Pathogenic Avian Influenza.
Bawal din ang pagpasok sa bansa ng live cattle, meat, at meat products mula sa cattle na galing sa mga bansang may kaso ng Bovine Spongiform Encephalopathy.
Hindi rin pinapayagang makapasok sa bansa ang mga domestic at wild pigs at kanilang produkto kabilang ang pork meat, pig skin, processed animal proteins, at semen mula sa mga bansang may kaso ng African Swine Fever.
Bawal din ang mga Foot and Mouth Disease (FMD)-susceptible animals at kailang produkto mula sa mga banned countries; at iba pang fishery commodities na hindi pinapayagan ang importasyon gaya ng piranha, janitor fish, knife fish, at blackchin tilapia. (DDC)