Mga opisyal ng SRA na sangkot sa kautusan para sa pag-aangkat ng asukal pinaiimbestigahan ni Zubiri

Mga opisyal ng SRA na sangkot sa kautusan para sa pag-aangkat ng asukal pinaiimbestigahan ni Zubiri

Nanawagan ng imbestigasyon si Senate President Miguel Zubiri laban sa mga opisyal ng Sugar Regulatory (SRA) na sangkot sa pagpapalabas ng kautusan para sa importasyon ng 300,000 tons ng asukal.

Ginawa ni Zubiri ang panawagan matapos ang pagbibitiw ni Usec. Leocadio Sebastian bilang undersecretary for operations at chief of staff ng ng kalihim ng Department of Agriculture na hinahawakan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, humingi ng paumanhin si Sebastian sa paglagda sa Sugar Order No. 4 nang walang pag-apruba ni Marcos bilang DA secretary at chairman ng Sugar Regulatory Board.

Ayon kay Zubiri, dapat masampahan ng kaso ang mga sangkot kautusan.

Sinabi ni Zubiri na ipinahamak ng mga opisyal si Pangulong Marcos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *