Pagbebenta ng talc-based baby powder ihihinto na ng Johnson & Johnson

Pagbebenta ng talc-based baby powder ihihinto na ng Johnson & Johnson

Ititigil na ng kumpanyang Johnson & Johnson ang pagbebenta sa buong mundo ng kanilang talc-based baby powder simula sa 2023.

Unang inihinto ang pagbebenta ng nasabing produkto sa U.S. dalawang taon na ang nakararaan matapos ang libu-libong reklamo ng mga consumer.

Ayon sa kumpanya, nagdesisyon silang ihinto na ang paggawa ng talc-based baby powder at sumentro sa paggawa at pagbebenta ng cornstarch-based baby powder.

Ang kanilang conrstarch-based baby powder ay available na sa merkado sa iba’t ibang mga bansa sa mundo.

Umabot sa nasa 38,000 na lawsuits ang isinampa laban sa kumpanya dahil ang kanilang talc products ay nagdudulot umano ng cancer.

Itinanggi naman ito ng J&J at nanindigan na ang kanilang produkto ay ligtas at walang halong asbestos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *