Mahigit 17,000 mag-aaral sa Valenzuela City makatatanggap ng school supplies
Mamamahagi ang Valenzuela City local government ng school supplies sa 17,672 mag-aaral sa lungsod.
Sinimulan na ng LGU ang pag-iikot sa mga barangay para maipamahagi ang mga school supplies sa mga estudyante sa kindergarten at elementarya.
Bawat mag-aaral ay makatatanggap ng backpack na naglalaman ng textbooks, notebooks, at iba pang school supplies.
Ito ay bilang paghahanda sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa Aug. 22. (DDC)