190 na bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant naitala sa bansa

190 na bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant naitala sa bansa

Nakapagtala ng karagdagan pang mga kaso ng Omicron sub variant sa bansa.

Ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH), nakapagtala ng dagdag na 190 na bagong kaso ng BA.5 sub variant.

Ang mga pasyente ay mula sa Region 11 (162), Region 12 (23), BARMM (3), Caraga (1), NCR (1).

Sa naitalang 190 na bagong kaso, 175 ang gumaling na, 7 ang sumasailalim pa sa isolation habang inaalam pa ang kalagayan ng 8 pa.

149 sa mga pasyente ay fully vaccinated kontra COVID-19, 4 ang partially vaccinated, habang inaalam pa ang status ng vaccination ng 37.

Samantala, nakapagtala din ng dagdag na 34 na bagong kaso ng BA.4 sub variant.

Ayon sa DOH, 33 sa kanila ang naka-recover na, habang inaalam pa ang kondisyon ng isa pa.

Sa 33 na mga pasyente, 27 ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

May naitala ding isang bagong kaso ng BA.2.12.1 na mula sa Region 11.

Ang nasabing pasyente ay naka-recover na ayon sa DOH. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *