ICU admissions tumaas; buong bansa nananatiling nasa low risk pa din sa COVID-19 ayon sa DOH
Nananatiling low risk ang classification ng bansa sa COVID-19 sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng na-aadmit sa intensive care units (ICU).
Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge, Maria Rosario Vergeire, may bahagyang pagtaas sa ICU admimssions at sa mga naitatalang severe at critical cases.
Mula sa 26 percent ay tumaas aniya sa 28 percent ang ICU utilization rate.
Ang pagtaas aniya sa ICU admissions at sa naitatalang severe at critical cases ng COVID-19 ay nagsimula noong July 2022.
Sa kabila nito sinabi ni Vergeire na ang buong Pilipinas ay nasa low risk classification pa rin. (DDC)