Mga paaralan hindi na papayagang magamit bilang isolation facility at at long-term evacuation centers

Mga paaralan hindi na papayagang magamit bilang isolation facility at at long-term evacuation centers

Ipagbabawal na ng Department of Education (DepEd) ang paggamit sa mga paaralan isolation facility, quarantine facility, at long-term evacuation centers.

Kasunod ito ng insidente ng pangmomolestya ng isang lalaki sa apat na guro sa Camarines Sur.

Sa pahayag ng Kagarawaran, bumubuo na ito ng Joint Memorandum Circular kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Department of Budget and Management (DBM).

Sa nasabing circular, isasaad ang paggamit ng Special Education Fund (SEF) upang kumuha ng hindi bababa sa isang security personnel sa bawat paaralan at para na rin sa pagkukumpuni at pagtatayo ng mga gusaling pampaaralan.

Isasaad din sa circular ang pagbabawal na sa paggamit ng mga eskuwelahan bilang mga isolation facility, quarantine facility, at long-term evacuation centers.

Ayon sa DepEd ito ay para matiyak na ang mga pasilidad at silid-aralan sa eskuwelahan ay magagamit lamang ng mga mag-aaral at school personnel.

Nangyari ang insidente ng pangmomolestya sa apat na guro sa isang paaralan sa Ocampo, Camarines Sur, kung saan pumasok ang armadong suspek sa tanggapan ng mga guro at saka isinagawa ang krimen. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *