“No Cellphone During Classes Act” inihain sa Kamara

“No Cellphone During Classes Act” inihain sa Kamara

Naghain ng panukalang batas sa Kamara si House Committee on Ways and Means chair Joey Salceda na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng cellphone sa oras ng klase.

Sa House Bill 662 o An Act Prohibiting the Use of Cellular Phones and Similar Digital Devices During Classes, sakop sa pagbabawal ang lahat ng private at public kindergarten, elementary, secondary at tertiary education institutions.

Nakasaad sa panukala na papayagan lamang ang paggamit ng cellphones kapag may emergency o kapag kailangan sa teaching programs.

Nakasaad sa panukala na dapat bawat paaralan ay mayroong device depository kung saan iiwanan ng mga estudyante ang kanilang gadgets sa sandaling pumasok na sila sa school premises.

Aatasan din ang mga paaralan na maglatag ng regulasyon at karampatang parusa sa mga lalabag. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *