Pangmomolestya sa apat na guro sa CamSur kinondena ng DepEd

Pangmomolestya sa apat na guro sa CamSur kinondena ng DepEd

Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang insidente ng sexual abuse laban sa apat na guro sa elementarya mula sa Ocampo, Camarines Sur.

Nangyari ang insidente habang ang mga guro ay naghahanda para sa darating na School Year 2022-2023, na nakatakdang magbukas sa Agosto 22.

Sa pahayag na inilabas ng DepEd, kinondena nito ang anumang uri ng karahasan at kawalang katarungan sa mga guro na nagpapakita ng kanilang dedikasyon at pagsisikap na maghatid ng patas, matatag, inklusibo, at dekalidad na edukasyon sa ating mga mag-aaral.

Inatasan na ng Kagawaran ang kinauukulang field office na makipag-ugnayan sa mga otoridad upang matulungan ang mga guro sa proseso ng imbestigasyon.

Magbibigay din ang DepEd ng kinakailangang tulong sa mga biktima, kabilang ang tulong pinansiyal at psychosocial intervention.

Sinabi ng DepEd na umaasa ito sa mabilis na imbestigasyon ng mga otoridad upang mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang armadong suspek ay pumasok sa opisina ng mga guro at saka isinagawa ang pangmomolestya.

Pinaghahanap pa ng mga otoridad ang suspek. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *