Pagbili ng DepEd ng overpriced at outdated laptops pinaiimbestigahan ni Sen. Alan Peter Cayetano

Pagbili ng DepEd ng overpriced at outdated laptops pinaiimbestigahan ni Sen. Alan Peter Cayetano

Naghain ng resolusyon sa Senado si Senator Alan Peter Cayetano para maimbestigahan ang pagbili ng Department of Education (DepEd) ng overpriced at outdated na entry-level laptops para sa mga public school teachers.

Sa inihaing Senate Resolution No. 134 ni Cayetano nanawagan ito sa Senate Blue Ribbon Committee na magkasa ng imbestigasyon sa isyu.

Ito ay makaraang punahin ng Commission on Audit (COA) ang pagbili ng DepEd sa mga laptop na nagkakahalaga ng P2.4 billion.

Sinabi ni Cayetano na kailangan ng agarang imbestigasyon sa usapin dahil pera ng taumbayan ang ginastos para dito at binili ito noong kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.

Una nang sinabi ng DepEd na bukas ito sa ikakasang imbestigasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *