Joint venture ng TV 5 at ABS-CBN bubusisiin ng NTC

Joint venture ng TV 5 at ABS-CBN bubusisiin ng NTC

Sasailalim sa pagbusisi ng National Telecommunications Commission (NTC) ang proposed joint venture sa pagitan ng TV 5 at ABS-CBN.

Sa isang panayam, sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na kailangang magsumite ang TV 5 ng commercial agreement nito sa ABS-CBN.

Kailangan din ang clearance mula sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), NTC, at Securities and Exhange Commission (SEC).

Sinabi ni Cordoba na sa ilalim ng Memorandum Order 3-06-2022 ng NTC, ang TV 5 ay kumpanya na nabigyan ng legislative franchise. Dahil dito, ang kumpanyang makakatransaksyon nito ay dapat walang outstanding obligation sa gobyerno.

Sinabi ni Cordoba na may kapangyarihan ang NTC para busisiin ang kasunduan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *