10 close contacts ng unang kaso ng monkeypox sa bansa, nananatiling naka-quarantine
Sumasailalim pa sa quarantine ang 10 close contacts ng kauna-unahang kaso ng monkeypox na naitala sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), pawang asymptomatic ang 10 close contacts.
Sa ngayon sinabi ng DOH na nananatiling isa lang ang kaso ng monkeypox na naitatala sa bansa.
“The 10 close contacts of the patient are still undergoing the required quarantine period and have remained asymptomatic. To date, there has been no new case of Monkeypox in the country,” ayon sa pahayag ng DOH.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na gumaling na ang pasyente at natapos na ang kaniyang quarantine. (DDC)