Validity ng registration para sa mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa number 8, 9 at 0 pinalawig ng LTO
Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa numero 8, 9 at 0.
Ayon sa abiso ng LTO, extended hanggang Sept. 30, 2022 ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa 8.
Habang extended naman hanggang Oct. 31, 2022 ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa 9.
Hanggang sa Nov. 30, 2022 naman ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa 0.
Ayon sa LTO, hindi sisingilin ng surcharge at penalty ang mga may-ari ng sasakyan.
Samantala, extended din ng isang buwan ang validity ng Student Permit, Driver’s License, Conductor’s License, at maging ang mga Medical Certificate na orihinal na mag-eexpire ngayong buwan ng Agosto.
Sinabi ng LTO na konsiderasyon ito sa patuloy na umiiral na community quarantine sa bansa. (DDC)