VP Sara nanawagan sa mga Samarnon na huwag suportahan ang NPA; kauna-unahang Samar Province Curriculum Book pinasinayaan
Umapela si Vice President Sara Duterte sa mga Samareño na huwag suportahan ang mga rebeldeng New People’s Army o NPA.
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng ika-181st Samar Day Celebration, araw ng Huwebes, August 11, 2022, sinabi ng Bise Presidente na sa halip ay tumulong sa pagtatatag ng gobyerno na matibay at handang sumuong sa anumang sakuna o kalamidad.
“I call on the people of Samar to support the government in building a nation that is more than equipped and ready for disasters. And more than that personally I request you…do not give your support to groups of people who want to destroy or bring down our government.” pahayag ni Duterte.
Aniya, ang gobyerno ang kapareha ng mga taga-Samar at handa itong tumulong sa anumang pagkakataon.
Ang Samar day aniya ay ang pagdiriwang ng pagiging matatag ng mga taga-Samar sa gitna ng mga hamon.
“Samar day celebrates the undying will of its people to survive in the midst of adversity. You give us the real definition of resiliency. Bilib gayud ako sa inyong provincia, bilib sad ako sa inyong mga leader ug sa inyong tanan—ang katawhan sa provincia sa samar!” wika pa ng Bise Presidente.
“Yes, you may have been repeatedly wounded in the past, but you heal fast. I believed, no amount of pain can stop you from pursuing your dreams. Day-in and day-Out for the past 181 years your province kept on building even Mother Nature and several incidents of armed conflicts kept on destroying.” dagdag pa nito.
Samantala, bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon ay pinangunahan naman ni DepEd Secretary Duterte ang unveiling ng Samar Province curriculum book sa selebrasyon ng Samar day, araw ng Huwebes, August 11, 2022.
Ang Samar Province curriculum book ay kauna-unahan sa lalawigan ng Samar na inilimbag ng Department of Education, Samar Province.
Sa kanyang talumpati, ay binaggit ng Bise Presidente ang mga pangunahing concerns ng mga guro kabilang na dito ang suweldo, pagkakaloob ng non-wage benefits sa kanila, problema sa mataas na interest sa pautang ng GSIS, pagkabaon sa utang sa private lending institutions at paper works ng mga guro —na dagdag sa mga pabigat ng kanilang trabaho.
Ayon sa Kalihim, may mga “discussions” o pag-uusap na silang isinasagawa sa central office para tugunan ang mga concern ng mga titser.
Nagpasalamat naman si Samar Governor Sharee Ann Tan sa pagpapaunlak ng Bise-Presidente sa imbitasyon na dumalo sa Samar day celebration.
Sa kanyang mensahe ay ibinida ni Tan ang mahigit 190,000 na lamang na mga boto na ibinigay ng mga Samareño sa Vice President.
Para sa gobernador, meaningful at significant ang selebrasyon ng Samar day ngayong taon dahil mismong ang pangalawang pangulo ang naging bisita ng mga Samarnon.
Present din sa aktibidad na ginanap sa covered court ng Samar Provincial Capitol, sina Samar 1st District Congressman Jimboy Tan at 2nd District Representative Michael Tan. (Ricky A. Brozas)