Pangulong Marcos nakiramay sa pagpanaw ni Lydia De Vega
Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga naulila ni dating Asian sprint queen Lydia de Vega-Mercado.
“I join the entire nation in mourning the untimely demise of former Asian sprint queen Lydia de Vega, after a four-year battle with breast cancer. My sincerest condolences to her family and loved ones,” ayon sa pangulo.
Sa kaniyang mensahe, inalala ni Marcos ang pagkilala kay De Vega bilang fastest woman in Asia.
Inilagay din aniya ni De Vega ang Pilipinas sa mapa ng international athletics.
“Lydia de Vega has run her last race. She has finished her contest. She has fought a good fight. Let us pray for her peace,” dagdag ni Marcos.
Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay sa mga naulila ni De Vega ang Philippine Sports Commission (PSC). (DDC)