Lydia De Vega-Mercado pumanaw sa edad na 57
Pumanaw na sa edad na 57 ang Filipino sports legend na si Lydia de Vega-Mercado.
Inanunsyo ito ng kaniyang anak na si Stephanie Mercado.
Ayon kay Stephanie, pumanaw ang kaniyang ina gabi ng Miyerkules (Aug. 10) sa Makati Medical Center.
Si De Vega ay ilang taon nang nakikipaglaban sa sakit na breas cancer.
Sumailalim din ito sa brain surgery.
Si De Vega ay kinilala bilang isa sa mga fastest woman sa Asya matapos magwagi ng gintong medalya sa 100-meter noong 1982 at 1986 Asian Games.
Siya rin ay 9-time Southeast Asian Games gold medalist. (DDC)