Oplan Balik Eskwela ng DepEd sisimulan sa Lunes para matugunan ang mga problema sa pagbabalik-klase ng mga mag-aaral
Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Balik Eskwela nito sa August 15 hanggang August 26, 2022.
Sa ilalim ng OBE, titiyakin na nakapag-enroll ng tama ang mga mag-aaral sa mga public at private schools para sa School Year 2022-2023.
Tutugunan din ang mga problema at isyu na kadalasang nararanasan sa pagsisimula ng klase.
Ang OBE 2022 ay may temang “Kapit-Bisig Para sa Mas Ligtas na Balik-Aral.”
Sa Lunes, August 15 ay magdaraos ang DepEd ng Command Conference para sa pormal na paglukunsad ng OBE. (DDC)