MMDA handang makipagtulungan sa imbestigasyon sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy

MMDA handang makipagtulungan sa imbestigasyon sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy

Tiniyak ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na makikipagtulungan ito sakaling magkasa ng legislative investigation hinggil sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ginawa ng MMDA ang pahayag kasunod ng panawagan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin ang pagpapatupad ng kani-kanilang NCAP.

Ayon sa pahayag ng MMDA, inirerespeto nito ang kapangyarihan ng mga LGU na lumikha at magpatupad ng kanilang sariling traffic regulations.

Sakaling mang magsagawa ng legislative investigation tungkol sa NCAP sinabi ng MMDA na handa silang makipagtulungan.

Tiniyak din ng ahensya ang kooperasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno para masiguro ang maayos na pagpapatupad ng nasabing polisiya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *