DOH nagsagawa ng ceremonial vaccination sa mga empleyado ng Senado
Nagdaos ng ceremonial vaccination ang Department of Health (DOH) sa Senado bilang bahagi ng “PinasLakas” campaign nito.
Pinangunahan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang aktibidad kung saan binakunahan kontra COVID-19 ang mga empleyado ng Senado.
Tiniyak naman ni Senate President Migz Zubiri ang suporta ng Mataas na Kapulungan sa DOH para sa matagumpay na vaccination program nito.
Layon ng “PinasLakas” campaign ng DOH, na mailapit pa sa publiko ang pagbabakuna.
Ito ay para matiyak na makatatanggap ng primary series ang eligible na general population at mas marami ang makatatanggap ng booster dose ng COVID-19 vaccine. (DDC)