P1.5B na halaga ng shelter assistance para sa mga nawalan ng bahay dahil sa Typhoon Odette, ipinalabas ng DBM

P1.5B na halaga ng shelter assistance para sa mga nawalan ng bahay dahil sa Typhoon Odette, ipinalabas ng DBM

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pamamahagi ng P10,000 shelter assistance sa mahigit 150,000 katao na naapektuhan ng Typhoon Odette.

Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman, aprubado na ang pagpapalabas ng special allotment na nagkakahalaga ng P1,580,123,000 base na rin sa kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang hiling ng DSWD para sa pagpapalabas ng nasabing pondo ay natanggap ng DBM noong August 3, 2022.

Ito ay para sa emergency shelter assistance upang matulungang maipaayos ang 153,410 na mga bahay na nasira ng bagyong Odette sa Regions VI, VIII, X at XIII.

“Bagaman tumama ang bagyong Odette noong nakaraang taon, hindi po nakalimutan ng inyong pamahalaan ang mga nasalanta. Patuloy ang pagbibigay natin ng tulong sa mga nangangailangan para sa kanilang pagbangon muli,” ayon kay Pangandaman.

Noong December 2021 nang tumama ang bagyong Odette kung saan naapektuhan ang Regions IV-B, VI, VII, VIII, X at XIII. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *