Pagpapakawala ng palaka at isda ng mga LGU panlaban sa dengue, ipinahihinto ng DENR

Pagpapakawala ng palaka at isda ng mga LGU panlaban sa dengue, ipinahihinto ng DENR

Ipinatitigil ng Biodiversity Management Bureau Department of Environment and Natural Resources (DENR-BMB) ang pagpapakawala ng mga palaka at isda bilang panlaban sa pagkalat ng sakit na dengue.

Ayon kay BMB Director Natividad Bernardino, ang pagpapakawala ng palaka at mga isda ay hindi epektibong solusyon para masawata ang mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.

Sinabi ni Bernardino na bagaman hindi kasama ang mga lamok bilang major part ng diet ng adult frog o maging ng toad.

Batay aniya sa 2016 study ng biologist na si Jodi Rowley, 1 porsyento lamang ng diet ng mga palaka ang mga lamok.

Ayon pa kay Bernardino, ang palaka na Rhinella marina na pinakakawalan ng mga LGU para ipanlaban sa dengue ay itinuturing na isa sa mga “worst invasive alien species” sa mundo.

“When introduced to a new environment, non-native species of frogs and fishes may become invasive and alter the biodiversity of the area,” babala ng opisyal.

Ang mga invasive species aniya ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at maaaring magdulot ng sakit.

Sa halip na gumamit ng mga palaka at isda, sinabi ng DENR na dapat panatilihing malinis ang kapaligiran upang hindi magkaroon ng tsansa ang mga lamok na makapamahay. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *