Ginagawang pumping station ang dahilan ng pagbaha sa ilang lansangan sa Maynila at hindi ang Dolomite beach ayon sa MMDA

Ginagawang pumping station ang dahilan ng pagbaha sa ilang lansangan sa Maynila at hindi ang Dolomite beach ayon sa MMDA

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi ang Dolomite Beach ang nakapagdudulot ng pagbaha sa ilang lugar sa Maynila.

Sa halip ayon sa MMDA, ang ongoing na drainage systems project sa lugar ang nagiging dahilan ng pagbaha sa mga lansangan sa lungsod.

Sa isinagawang inspektsyon sa Juan Luna Elementary School sa Maynila para sa Maynila para sa Brigada Eskwela, sinabi ni MMDA Acting General Manager Baltazar Melgar na hindi ang Dolomite beach kundi ang ang hindi pa natatapos na pumping stations at pipeline malapit sa lugar ang dahilan ng pagbaha.

Ayon kay Melgar ang nasabing proyekto ay inaasahang matatapos na sa Oktubre.

“Dolomite Beach has no connection to the recent flooding in the area. The reason why flood water subsided slowly during heavy rains last Friday was the ongoing construction of three pumping stations and a pipeline by the Department of Public Works and Highways (DPWH) which is expected to be completed by October,” ani Melgar.

Kabilang sa mga pumping stations na ginagawa ay ang Padre Faura Drainage, Remedios Drainage at ang Estero De San Antonio. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *