Antique niyanig ng magnitude 4.6 na lindol; Intensity IV naitala sa bayan ng Anini-y
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Antique.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 8 kilometers southwest ng bayan ng Anini-y, 10:52 ng umaga ng Miyerkules (Aug. 9).
May lalim na 21 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV
– Anini-y, Antique
Intensity III
– Tobias-Fornier, Antique