Bagong PNP chief Azurin nagpatupad ng reshuffle
Nagpatupad ng malawakang balasahan sa Philippine National Police (PNP).
Sa pahayag ng PNP, layunin ng reorganization na makapagbigay ng oportunidad at career growth sa mga tauhan at opisyal ng pambansang pulisya.
Partikular na iniutos ni Police Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang reshuffle sa mahigit 70 senior officers na nakatalaga sa matataas na puwesto sa PNP.
Kabilang sa naapektuhan si Police Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., na number three man ng PNP.
Si Danao na nagsilbing PNP OIC sa loob ng tatlong buwan ay itinalaga bilang direktor ng Area Police Command- Western Mindanao mula sa pagiging PNP Deputy Chief for Operations (DCO).
Si Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia na number 2 man ng PNP bilang Deputy Chief for Administration (DCA) ay itinalaga bilang direktor ng Area Police Command-Visayas.
Ang reassignment ng dalawang opisyal ay maituturing na demosyon.
Papalit sa iniwang puwesto ni Danao si Maj. Gen. Benjamin Santos Jr. habang si Police Maj. Gen. Jose Chiquito Malayo ang papalit kay Sermonia. (DDC)