DITO dapat magbayad ng P622M na interconnect penalties
Hiniling ng kumpanyang Globe sa National Telecommunications Commission (NTC) na pagbayarin ang DITO Telecommunity ng P622 million dahil sa paglabag sa interconnect agreement.
Ayon sa Globe, nakagawa ng paglabag ang DITO bunsod ng mga fraudulent calls at na-bypass ng nasabing network ang proper voice traffic channels.
Sinabi ng Globe na umabot sa 1,000 fraudulent calls ang natukoy.
Pinalabas na local calls ang mga tawag pero international calls ang mga ito.
“An average of 1,000 fraudulent calls – identified as international in origin but masked as local calls – are allowed to pass through DITO’s network to Globe users every day, in violation of interconnect rules,” ayon sa pahayag ng Globe.
Ayon sa Globe ang nasabing penalty ay para sa mga paglabag mula July 2021 hanggang July 2022. (DDC)