Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 104 kilometers southeast ng Governor Generoso alas 5:56 ng umaga ngayong Martes, Aug. 9.
47 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol. (DDC)