Live selling feature aalisin na sa Facebook
Inanunsyo ng Meta na aalisin na ang Live selling feature sa Facebook simula sa October 1, 2022.
Sa inilabas na pahayag sa Meta Bussines Help Center simula sa nasabing petsa, hindi na makakapag-host o makakapag-schedule ng Live Shopping events sa Facebook.
Magagamit pa rin naman ang Facebook Live para makapag-broadcast ng live events subalit hindi maaaring gamitin ang live feature para sa product playlists o makapag-tag ng produkto.
Ayon sa Meta, mas maraming Facebook users ang gumagamit na ngayon ng short-form video.
Dahil dito, nagpasya ang Meta na mag-focus sa Reels sa Facebook at Instagram.
Pinayuhan ng Meta ang mga Facebook users na subukang gamitin na ang Reels at Reels ads sa Facbeook at Instagram.
Maaaring mag-tag ng produkto gamit ang Reels. (DDC)