Pangulong Marcos pinangunahan ang pagdiriwang ng 121st Police Service Anniversary

Pangulong Marcos pinangunahan ang pagdiriwang ng 121st Police Service Anniversary

Dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdiriwang ng 121st Police Service Anniversary.

Idinaos ang aktibidad sa Philippine National Police (PNP) Multi-Purpose Center sa Camp Brigadier General Rafael T. Crame, Quezon City umaga ng Lunes, Aug. 8.

Ang pagdiriwang ay mayroong temang “Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan, Tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran”.

Sa nasabing aktibidad, pinangunahan ni Marcos ang pagkilala at pagbibigay parangal sa mga PNP personnel a command units na nagpakita ng katangi-tanging paglilingkod sa kanilang field of service.

Sa kaniyang talumpati, nagpasalamat si Marcos sa tapat at walang sawang pagseserbisyo ng mga pulis sa buong bansa.

Hinimok nito ang mga PNP personnel na ipagpatuloy ang pagsisilbi nang may integridad.

Aniya, wala dapat puwang ang dishonesty at pag-aabuso sa tungkulin. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *