COVID-19 positivity rates sa CamSur at 14 pang lugar nasa “very high” na ayon sa OCTA Research

COVID-19 positivity rates sa CamSur at 14 pang lugar nasa “very high” na ayon sa OCTA Research

Nakapagtala na ng “very high” na positivity rates ng COVID-19 sa Camarines Sur at labingapat na iba pang lugar sa bansa.

Ayon sa OCTA Research, nasa 48.7 percent ang positivity rate sa Camarines Sur. Malaki ang itinaas nito kumpara sa 30.. percent lamang noong July 30.

Nakapagtala din ng “very high” na positivity rates sa sumusunod pang mga lugar:

– Isabela: 47.6%
– Tarlac: 41.9%
– Nueva Ecija: 38.4%
– Pampanga: 35.0%
– Laguna: 33.2%
– Cagayan: 30.5%
– La Union: 29.4%
– Zambales: 28.6%
– Albay: 28.2%
– Quezon: 25.1%
– Pangasinan: 25.0%
– Benguet: 22.0%
– Cavite: 21.1%
– Rizal: 18.8%

Sa NCR, tumaas din ang positivity rate mula sa 15.5 percent patungong 17.5 percent.

Ang positivity rates ay ang percentage ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga isinailalim sa tests. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *