Makati City LGU nagdeklara ng “climate emergency”
Nagdeklara ng state of climate emergency sa lungsod ng Makati para matugunan ang epekto ng pagtaas ng temperatura at sea levels.
Sa pahayag, sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na ramdam na sa maraming lugar sa lungsod ang epekto ng climate change, partikular ang nararanasang pagbaha sa mga mabababang lugar sa lungsod.
Inanunsyo ni Binay ang deklarasyon sa idinaos na webiner na inorgansa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa nasabing webinar, ipinakita ng CDRRMO ang pagtaas ng nararanasang rainfall sa lungsod sa nakalipas na mga taon.
Ayon kay Binay, kailangang gumawa ng mga plano at stratehiya para magawang cimate-resilient ang lungsod.
Kailangan ding bigyang kaalaman ang mga residente hinggil sa epekto ng climate change. (DDC)