Makati City LGU binalaan ang publiko sa pekeng FB page ng Ospital ng Makati
Nagbabala sa publiko ang Makati City LGU hinggil sa pekeng Facebook page gamit ang pangalan ng Ospital ng Makati.
Ayon sa abiso, ang nasabing page ay nagbebenta ng kung anu-anong produkto.
Sinabi ng Makati City LGU na walang official Facebook page ang Ospital ng Makati.
Gumawa na ang aksyon ang lokal na pamahalaan para mai-report ang page.
Tiniyak din ng pamahalaang lungsod na kakasuhan ang matutukoy na gumawa at nagma-manage ng account. (DDC)